Tuesday, April 20, 2010

Sin-o Ka?

Ano ro pagkakilaea kimo king mga isigkatawo?
Tan-awa sa mga masunod nga mga terminolohiya.

aeabuton--ito ang isang taong hindi malaman kung kailan magagalit o pabigla-bigla kung magalit
Aeabuton gid ro mga baye.
Matampuhin talaga ang mga babae.

agihis—isang bakla o isang lalakeng kumikilos na parang babae.
Si Mario hay agihis.
Si Mario ay bakla.

bantog--isang taong kilalang-kilala sa lugar at may nagawang kabutihan sa kapwa-tao o sa kapaligiran
Si Jose Rizal hay bantog sa bilog nga kalibutan.
Si Jose Rizal ay kilalang-kilala sa buong mundo.

bugaeon--isang taong laging nagmamayabang
Owa't gapati sa tawong bugaeon.
Walang naniniwala sa taong mayabang.

but-anan--isang taong matulungin at hindi nagsisimula ng gulo
Ro ungang but-anan palangga gid it anang magueang.
Ang batang mabait ay mahal na mahal ng kanyang magulang.

diosnanon--isang taong madalas nagsisimba o takot sa Dios
Si San Juan ay diosnanon nga tawo.
Si San Juan ay banal na tao.

dungganon--isang taong marangal at ninirespito ng kapwa
Saludo gid ako sa tawong dungganon.
Hangang-hanga ako sa marangal na tao.

gwapa--isang babaeng kaakit-akit
Si Gloria Diaz hay gwapa.
Si Gloria Diaz ay maganda.

hamili--isang taong maka-diyos
Ro hamili nga tawo hay diosnanan.
Ang banal na tao ay maka-diyos.

hanginon--isang taong laging nagmamayabang
May mga tawong hanginon.
May mga taong mahangin.

hari-anon--isang ugali ng tao na walang ginagawa kundi mag-utos at mag-utos, at nagagalit kung hindi nasusunod ang gusto
Sangkiri ro amigo ku tawong hari-anon.
Kakaunti ang kaibigan ng taong mukhang hari.

hakug--isang taong gustong angkinin kahit hindi sa kanya
Indi masaligan ro tawong hakug.
Hindi masandigan ang taong sakim.

kaueogot--ugali ng isang taong nakakawalang gana
Kaueogot rang boss.
Nakakasuklam ang boss ko.

loko--isang taong gumagalaw o gumagawa ng isang bagay na hindi sumusunod sa alintuntunin
Ro tawong loko hay basaguliro.
Ang taong loko ay basag-ulo.

maabi-abihon--ito ang klase ng isang tao na matulungin at kaaya-aya sa kapwa
Paborito ko gid ro tawong maabi-abihon.
Paborito ko ang taong mabait.

maambong--ito ang isang taong mayumi ang mukha.
Si Ate hay maambong.
Si Ate ay maganda.

mabahoe ra easug—isang taong matapang
Mabahoe ra easug no Datu Kalantiaw.
Malaki ang bayag ni Datu Kalantiaw.

mabuot--ito ang isang klaseng tao na matulungin at hindi basaguliro
Mabuot rang manghod.
Mabait ang bunso kong kapatid.

madaya--ito ang klaseng tao na nagmamalabis at ginagawa niya ito ng palihim
Kaabuan sa mga negosyante hay madaya.
Karamihan sa mga negosyante ay madaya.

maaeam--ito ang isang klaseng tao na mahusay mangatwiran at gumagawa ng paaran na hindi gumagamit ng labis na material
Kon masiog si Bonifacio, maaeam si Rizal.
Kung matapang si Bonifacio, matalino si Rizal.

maeupigon--ito ang isang klaseng taong laging nagsasamantala at gumagamit ng dahas upang makamtan ang ibig niya.
Owa gabuhay ro tawong maeupigon.
Hindi tumatagal ang manlulupig.

maeuib--isang taong nagtatagu ng galit at gagawa ng masama sa isang taong tinuturing na kaibigan
Ro maeuib nga asawa owa't kalipayan.
Ang babaeng salawahan ay walang kasiyahan.

maeuya--ito ang isang taong mahina kung kumilos
Maeuya eon rang lola.
Mahina na ang lola ko.

mahipuson--ito ang isang taong hindi palasalita ngunit nagmamasid ng maigi
Mag-andam sa tawong mahipuson.
Mag-ingat sa taong tahimik.

maimon--ito ang isang klaseng taong laging nag-iisip na ang kanyang mahal ay liniligawan o nagmamahal ng iba
Maimon rang nobya.
Selosa ang aking nobya.

owa’t huya--ito ang isang taong hindi sumusunod sa mabuting asal.
Kaueogot ro tawong owa't huya.
Nakakainis ang taong walang hiya.

owa’t tinindugan--ito ang isang klaseng taong walang paninindigan sa kanyang mga sinabi
Ro presidente ku amon nga asusasiyon ay owa't panindugan.
Ang pangulo ng samahan namin ay walang paninindigan.

paeahilong--ito ang isang taong laging naglalasing
Ro bana ni Maria hay paeahilong.
Ang asawa ni Maria ay lasinggero.

paeatukib--ito ang klaseng tao na mahilig maghanap ng paaralan upang malaman kung ano ang sagot sa isang problema
Si Tomas Edison hay paeatukip nga tawo.
Si Tomas Edison ay matuklasing tao.

purilon--ito ang isang taong laging nagsasabi ng hindi tutuo, o nagkukunwari lang.
Purilon gid rang amo.
Sinungaling ang amo ko.

puti’t itlog--ito ay isang taong laging takot sa ano mang laban
Si Pedro hay puti't itlog.
Maputi ang bayag ni Pedro.

putli--ito ang isang taong hindi gumagawa ng kasalanan sa kapwa.
Sa Sta. Maria hay putli nga nanay.
Si Sta. Maria ay banal na ina.

rayna-raynahon--ito ang ugali ng isang anak na babae na hindi tumutulong sa gawain sa bahay.
Si Inday hay rayna-raynahong tawo.
Si Inday ay parang reyna.

relihiyuso--ito ang isang taong malapit sa diyos, laging nagsisimba o nanalangin.
Mga mabuot ro mga relihiyusong tawo.
Mababait ang mga relihiyosong tao.

saeawayon--ito ang isang taong laging nagbabasag-ulo, o kusang gumagawa ng kabalastugan
Kaabuan sa mga unga hay saeawayon.
Karamihan sa mga bata ay gigolo.

tae-as –ito ay isang taong binabaliwala ang buhay o gawain.
Owa gaasinso ro tae-as nga tawo.
Hindi umaasinso ang iresponsibol na tao.

traidor--isang taong gumagawa ng kasamaan sa tinuturing na kaibigan
Indi mag-amigo sa traidor nga tawo.
Huwag makipagkaibigan sa isang taong traidor.

paeawarang---. Isang taong palaging umaalis ng tahanan ng wala namang napupuntahan.
Ang kapatid kung bunso ay paeawarang.
Ang kapatid kong bunso ay palaboy-laboy.

waslik-puder --ugali ng isang opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang pwesto upang mag-abusar.
Abu nga mga opisyales it banwa hay mga waslik-puder.
Maraming mga namumuno ng bayan ay mga abusador.

No comments:

Post a Comment